ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG TINATAMAD KANG MAGTRABAHO ?
Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho.
A. Una ay umabsent.
1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.
2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e mag-text ka at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong magaling kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring me sakit ay umubo ka ng paunti-unti habang kinakausap ang bossing mo.
3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw. Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina sa kalagitnaan ng araw, laging tandaan ang rasong ginamit (consistent ka dapat), maaari namang i-off mo na lang ang phone mo para hindi ka maistorbo buong araw.
BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.
B. Pangalawa ay pumasok
Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective. Meron ding oras na nakatakda, magsisismula ng alas ocho ng umaga at magtatapos ng alas singko ng hapon.
1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang excited masyado. 8:00
2. Pagdating mo sa opisina ay ilapag mo lang kaagad ang gamit mo sa lamesa at magtungo kaagad sa pantry. Magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag umaga. Habang nasaloob ay makipag-usap sa mga tao doon, patagalin mo ang usapan (tip: pag-usapan ang mga headline ngayong araw o mga nangyari kahapon sa loob ng opisina). Kung walang tao sa pantry ay mag-yaya ka ng kasama bago pa man pumasok doon. 8:00-8:30
3. Matapos sa pantry ay magtungo na sa lamesa mo dala-dala pa din ang kape, ito ay para hindi ka antukin buong araw. Buksan ang computer… continued at rcbgallery










Recent Comments