Archive for March 7th, 2008



Ang pinaka sikat na pelikula sa ngayon. Mag iisang buwan na mula nung pumutok ang pelikulang ito. Usapan na sa kung saan saang lugar sa jeepney, sa taxi, sa tricycle, sa barberya, sa karinderya, sa tapsilugan at iba pa. Naalala ko nung unang araw na nagsimula ito at nasa La Salle Greenhills pa si Lozada napanood ko ang unang prescon niya, mga alas 3 ng umaga ata yon. Tapos sunod kong nasaksihan ang buong araw ang unang senate hearing niya na pinanood ko mula 10am hanggang 10pm ata. Mukha pa siyang takot na takot noon dahil parang wala siyang kakampi at hindi siya makapangyarihan.
Matapos ang ilang linggo, ngayon ay nababalitaan ko na palibot libot na sa iba’t ibang skwelahan si Lozada at laging present sa iba’t ibang rally. Ngayon ay mukha na siyang walang takot dahil nakuha niya agad ang tiwala ng mga Pilipinong manonood. At isa ko sa mga naniniwala kanya noon. Pero sa ngayon ay medyo nagiiba na ang ihip ng hangin, dahil mukhang nababahiran na siya ng mga trapo na nakapaligid sa kanya. Sana mali ang iniisip ko pero eto ang aking opinyon sa aking na obserbahang takbo ng mga pangyayari.
Saan kaya ito patungo? Saan kaya papunta ang krisis na ito? Ano kaya ang magiging ending ng pelikulang ito? Bigla nalang kaya ito matatapos ng walang nananagot? Napakaraming tanong sa aking isipan at sa isip ng karamihan.
Mabuhay ang mga tambay na may pakialam sa mga nangyayare sa bansa naten.











Recent Comments